Mga kongresista na bumabatikos sa resulta ng survey kontra sa Charter Change, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga kongresista na bumabatikos sa resulta ng Pulse Asia Survey na nagsasabing 74% na ng mga Filipino ang hindi sang-ayon na isagawa ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Giit ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez ang taumbayan sa pamamagitan ng isang plebisito at hindi ang survey ang magdedesisyon kung dapat bang amyendahan ang Konstitusyon.

Binira rin ni Suarez ang mga tanong sa survey na nagdulot ng kalituhan at nagdala sa publiko sa direksyon ay upang tutulan ang Cha-Cha.


Dismayado rin si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin sa mga tanong ng survey na tila may pagtatangka na impluwensyahan ang opinyon ng publiko.

Napuna rin ni Garin na ang resulta ng Pulse Asia survey ay taliwas sa resulta ng iba pang surve na pumapabor sa layuning pagreporma sa mga economic provisions sa Saligang Batas.

Sang-ayon din si Garin na dapat ay marinig ang tunay na boses ng mamamayang Pilipino kaugnay sa Cha-Cha sa pamamagitan ng plebesito at sa biased na survey.

Facebook Comments