
Umaabot na sa 291 ng kabuuang 314 na mga kongresista ngayong 20th Congress ang pumirma sa manifesto of support para sa pagiging Speaker ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Iloilo 1st District rep. Jannette Garin, ang nabanggit na mga mambabatas na sumusuporta sa liderato nii Romualdez ay mula sa iba’t ibang partido, rehiyon, at mga ideological bloc, kabilang na ang mga dati niyang kritiko o katunggali.
Kabilang sa mga binanggit ni Garin na lumagda sa manifesto ay sina dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Negros Occidental Rep. Javi Benitez na anak ni Bacolod City Rep. Albee Benitez at Davao Occidental Rep. Claude Bautista.
Diin ni Garin, ang dami ng nagawa ni Congressman Romualdez nung 19th Congress ay patunay na talagang nitong ipagpatuloy ang pamumuno sa Kamara.









