Mga kongresista na umaapela sa pangulo na ibasura ang EO 128, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga kongresista na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin na ang EO 128 na nag-aatas na itaas ang Minimum Access Volume (MAV) at ibaba ang taripa ng imported na karneng baboy.

Sa latest o pinakahuling bilang, umakyat na sa 39 ang mga kongresistang lumagda sa House Joint Resolution 37 mula sa 17 signatories noong nakaraang linggo.

Sa ilalim ng EO 128, ang tapyas sa taripa ay nasa 15% mula sa 40% out quota, at 5% mula naman sa 30% na in quota tariff, habang itinaas naman ang MAV sa 404,000 metric tons mula sa 54,000.


 

 

Katwiran ng mga kongresista, talong-talo ang mga local hog industry sa naturang EO ng presidente.

Sa halip na EO, mas mabuti anila kung maghahanap at gagawa ng alternatibo at “long term” na solusyon ang pamahalaan, gaya ng repopulation ng mga baboy at pagpapalakas sa hog industry.

Facebook Comments