Inihain ng Gabriela Party-list at ni Leyte Representative Richard Gomez ang magkahiwalay na resolusyon na nagpapahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni Sprint Legend Lydia de Vega at pagkilala din sa kanyang malaking ambag sa larangan ng palakasan.
Ayon kay Valenzuela City Representative Eric Martinez, sa pagpanaw ni Queen of Track ay nawalan tayo ng national treasure na nagbigay ng sa ating ng malaking karangalan.
Tiniyak naman ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga Jr., na mananatili ang legacy of greatness na iniwan ni De Vega at patuloy na magbibigay inspirasyon para sa paglitaw ng mga kagila-gilas na manlalaro tulad ni Hidilyn Diaz.
Sabi naman ni House Speaker Martin Romualdez, sa pagkawala ni De Vega, ay nabigyang diin ang pangangailangan na suportahan ng ating gobyerno at pribadong sektor ang ating mga atleta kahit sila ay nagretiro na.
Ikinalungkot naman ni PBA Party-list Representative Migs Nograles na hanggang sa huling araw ni De Vega ay humihingi pa ito ng tulong pinansyal at benepisyo para sa ating mga nagdaan at kasalukuyang olympians.
Binanggit naman ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo na ang hindi matatawarang ambag ni De Vega sa Philippine sports ay magpapatuloy sa mga susunod pang henerasyon at patuloy na magigi inspirasyon para sa mga manlalarong Pilipino.
Para naman kay Pinuno Party-list representative Howard Guinto, isang malaking kawalan sa bansa ang pagpanaw ni De Vega na nagsilbing mabuting halimbawa sa ating mga atleta.