Mga kongresista, nakakatanggap na ng death threats kaugnay sa lumalalim na imbestigasyon ng quad committee

Nakakatanggap na ng pagbabanta sa kanilang buhay ang mga kongresista dahil sa lumalalim na imbestigasyon ng quad committee ukol sa Extra Judicial Killings, Philippine Offshore Gaming Operators at operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, hindi biro ang nabanggit nilang trabaho kung saan araw-araw ay nahaharap sila sa panganib.

Bunsod nito ay nakipagpulong si Co kina Police Security and Protection Group (PSPG) Director BGen. William Segun at PCol. Eleazar R. Barber Jr., kaugnay sa pagpapa-igting ng seguridad sa Kamara.


Sabi ni Co, hindi lang ito tungkol sa kaligtasan ng mga kongresista kundi para matiyak din na magpapatuloy ang kanilang paghahanap ng katotohanan.

Tiniyak din ni Co na ang kanilang committee sa paghahanap ng katutuhanan at hustisya ay hindi matitinak sa harap ng mga panganib na kanilang kinakaharap.

Facebook Comments