
Iginiit ng mga kongresista na “unconstitutional” o labag sa Konstitusyon ang umano’y plano ng Senado na i-dismiss ang impeachment case na kinahaharap ni Vice President Sara Duterte.
Giit ni House Prosecutor at Manila Representative Joel Chua, malinaw sa saligang batas na mandato ng Senado, bilang impeachment court, na magsagawa ng paglilitis bago sila magpasya kung ibabasura o kakatigan ang impeachment case.
Diin naman ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, masyadong garapal at hindi katanggap-tanggap ang balak ng Senado.
Para naman kay Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, nakakahiya bilang Pilipino ang aksyon ng mga senador na sana ay hindi na lang nanumpa sa kanilang posisyon kung hindi pala nila kayang gampanan ang kanilang tungkulin.









