Mga kongresista, umapela sa COMELEC na higpitan ang pagsala sa mga lokal na kandidato sa eleksyon

Hiniling nina Assistant Majority Leaders Raul Angelo “Jil” Bongalon ng AKO Bicol Party-list at La Union Rep. Francisco Pablo Ortega sa Commission on Elections (COMELEC) na higpitan at bantayang mabuti ang mga lokal na kandidato sa 2025 midterm elections.

Apela ito nina Bongalon at Ortega sa gitna ng mainit na pagkwestyon sa nasyonalidad ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na umano’y nakakaladkad sa iligal na operasyon ng Chinese gambling site sa kanyang lugar.

This slideshow requires JavaScript.


Ayon Kay Bongalon, makabubuti na suriing mabuti ng COMELEC kung totoo ang lahat ng impormasyong inilalagay ng mga kandidato sa kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Kinuwestyon din ni Bongalon kung bakit 17-taong gulang na si Guo nang mairehitsro ang kanyang kapanganakan.

Iginiit naman ni Rep. Ortega na mahalagang makalikha rin ng isang inter-

agency body na siyang tututok sa ganitong usapin o ang biglaang pagdagsa ng grupo ng mga tao o dayuhang lahi sa mga lugar sa bansa.

Facebook Comments