Mga kongresista, walang alam sa umano’y text message ni PBBM na umaawat sa paghahain ng impeachment vs VP Sara

Wala alam ang mga kongresista ukol sa umano’y text message ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. umaawat sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Manila 3rd District Representative Joel Chua, maraming importanteng bagay na pinagkakaabalahan ang Kamara kaya wala silang panahon na pag-usapan ang impeachment.

Sinabi naman ni Zambales Representative Jefferson Khonghun, walang kasiguraduhan kung saan galing ang nasabing text message pero kanyang nilinaw na lahat naman ay may karapatan na maghain ng impeachment at hindi nila ito mapipigilan.


Para naman kay La Union Rep. Paolo Ortega, dapat munang maberipika ang mga kumakalat na impormasyon.

Tiniyak naman ni Ortega, kahit pa anong klaseng mga impormasyon ay mananatili silang nakatutok sa kanilang trabaho.

Facebook Comments