Manila, Philippines – Sa kabila ng lock-out policy ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, hindi naman pala mapaparusahan ang mga pala-absent sa sesyon.
Ang paghihigpit sa quorum ng Mababang Kapulungan ay pagdidisiplina sa mga mambabatas na dumalo ng sesyon para magparticipate sa mga legislative works sa plenaryo.
Pero ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, kung late ang isang kongresista ay hindi naman ito mapaparusahan kundi mamarkahan lamang ng absent.
Wala mang sanction ngunit kahiyaan na lamang kung hindi susunod ang mga mambabatas sa lock-out policy na ipinatutupad ng Kamara.
Sinabi naman ng ilang mambabatas na hindi naman ganoon kahigpit ang lock-out policy.
Ayon kay AKO BICOL PL Rep. Rodel Batocabe, mahigpit lamang ang utos na dumalo sila eksakto alas kwatro ng sesyon at pagkatapos ng roll call ay pwede namang lumabas kung may gagawin.
Samantala, naghihigpit naman ngayon ang Kamara sa pagri-release ng attendance ng mga kongresista.
Nilinaw ni House Sec. Gen. Cesar Pareja, hindi sila nagbibigay na ng summary ng attendance ng mga kongresista kung walang clearnace sa lahat ng mga mambabatas.