Dalawampung miyembro lang ng Kamara ang papayagang makapasok sa plenaryo sa isasagawang special session bukas, march 23. Sa abisong inilabas ng mababang kapulungan ng kongreso.
Ang iba sa mga mambabatas ay lalahok sa talakayan sa pamamagitan ng video conference. At sa kauna-unahang pagkakataon. Idadaan din sa online technology ang pag-boto ng mga kongresistang hindi “physically present” sa sesyon.
Tiniyak naman ng liderato ng kamara na lahat ng Major Paties kabilang ang mga partylist, Luzon, Visayas, Mindanao at minority block at kakatawanin sa sesyon. Layon ng sesyon na aprubahan ang pagbibigay ng kapangyarihan kay pangulong duterte na mag-realign ng pondo sa ilalim ng 2020 budget.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, mahigit P200-bilyon na balak kunin sa non-budgetary sources ang kailangang i-realign para matiyak na may maipangtutustos ang gobyerno sa pagkain at gamot ng mga apektado ng COVID-19 na sapat para sa susunod na dalawang buwan.