Mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc, kinondena ang mga aksyon ni Senator Dela Rosa

Kinondena ng Gabriela Women’s Party-list at Kapabataan Party-list ang paglulunsad ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng pagdinig kung saan inatake ang Makabayan Bloc partikular si Rep. Raoul Manuel na inakusahang may kaugnayan sa New People’s Army.

Para kay Gabriela Party-list Arlene Brosas, ang hakbang ni Dela Rosa ay layuning supilin ang pagnanais ng publiko na maimbestigahan ng International Criminal Court o ICC ang ipinatupad na war on drugs ng administrasyong duterte.

Ayon kay Brosas, dapat itigil na ni Senator Bato at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang pangha-harass at pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa mga ordinaryong tao na nagsusulong lamang ng interes ng mga mahihirap at inaapi.


Giit ni Brosas at ng Kabataan Party-list, ang ginagawa ni Dela Rosa ay hindi asal ng isang senador at malinaw na pag-aaksaya din sa resources ng Senado at sa pondo ng bayan at pag-abuso din sa kanyang posisyon.

Binigyang diin ng Kabataan Party-list na hindi dapat gamitin ng sinumang opisyal ang kanyang posisyon sa gobyerno para umalpas sa kanyang pananagutan at atakihin ang mga kabataan at kababayan nating nagsusulong ng hustisya.

Facebook Comments