Mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc, kumpiyansang maipapasa ng Kamara ang Divorce Bill

Kumpiyansa ang mga kongresistang miyembro ng Makabayan Bloc na tuluyang maipapasa ng Kamara sa susunod na linggo ang panukalang divorce sa Pilipinas na nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas may sapat na bilang ng mga kongresista na pabor sa panukala na mayroong 80 kongresista na co-authors.

Diin ni Brosas, matagal nang hinihintay na misabatas ang panukalang diborsyo sa Pilipinas at kaunti na lang ay tuluyan na itong maipapasa.


Para naman kay House Deputy Minority Leader at ACT teachers Party-list Representative France Castro, hindi dapat pagbanggain ang mga paniniwalang panrelihiyon at ang pananaw ukol sa diborsyo.

Paliwanag ni Castro, hindi naman intensyon ng diborsyo na sirain ang pagiging sagrado ng sakramento ng kasal.

Facebook Comments