Mga Kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc, nagsapubliko ng kanilang mga SALN

Hinamon ngayon ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., Vice President Sara Duterte at mga halal at itinalagang opisyal ng pamahalaan na isapubliko ang kanilang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Bago maghamon ay unang naglabas ng kanilang SALN sina Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist, Renee Co ng Kabataan Partylist at Sarah Elago ng Gabriela Womens Party.

Ang hakbang nina Tinio, Co at Elago ay bilang pagtataguyod ng transparency at pananagutan.

Base sa kanilang SALN ay may nerworth na P10.9-M si Tinio, mahigit P1-M naman kay Elago at P280,000 kay Co.

Samantala, nagsumite naman ng liham sa House Secretary General si Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando.

Nakapaloob sa liham ang hiling na pahintulutan ang publiko na magkaroon ng access sa SALN ng mga kongresista pangunahin ang SALN niya.

Facebook Comments