Mga kongresistang laging late sa sesyon sa Kamara – sasaraduhan na o hindi na papapasukin sa session hall

Manila, Philippines – Sasaraduhan na ng pintuan ng session hall ang mga late na kongresista.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodilfo Fariñas – napagkasunduan sa all member caucus ng kamara na “on-time” o eksakto alas-4:00 ng hapon, sisimulan ang roll call sa mga plenary sessions para matiyak na may quorum.

Mamarkahang absent ang hindi makakatugon sa roll call maliban nalang sa mga dumadalo ng committee hearing.

Samantala – bukas naman ang senado na pag-aralan ang mga panuntunan para sa mga tamad na Senador.


Sinabi ni Senate President Koko Pimentel – wala naman silang problema pagdating sa mga late na Senador at sa pagbuo ng quorum.

Gayunman – bahagya silang nali-late sa pagsisimula ng sesyon dahil may ilan pading pasaway na Senador.

Dahil dito – pag-aaralan nila kung papaano pa nila maisasaayos ang mga panuntunan sa senado pagdating sa nasabing usapin.
DZXL558

Facebook Comments