Plano ni Senator JV Ejercito na isulong ang pag-inhibit ng mga kongresistang may kaugnayan sa mining sa pagdinig ng Commission on Appointments o CA sa kumpirmasyon ni Environment Secretary Gina Lopez.
Ito ayon kay Ejercito, ay kung hindi kusang mag-iinhibit sa CA hearing ang mga mambabatas na nagma may ari o may koneksyon sa mining industry.
Katwiran ni Ejercito na hindi magandang tingnan at hindi makabubuti sa CA kung kabilang sa boboto laban sa kumpirmasyon ni Sec. Lopez ay mambabatas na ang pamilya ay nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking mining company.
Para kay Ejercito ang mga mambabatas na may mining company ay nasa posisyon hindi para maglinkod sa kanilang constituent kundi para proteksyunan ang kanilang negosyo.
Giit ni Ejercito, karapat dapat sa posisyon si Secretary Lopez, dahil ito lang ang may lakas ng loob para ipaglaban ang nararapat na pagproteksyon sa ating kalikasan kahit malalaking mining firms pa ang kanyang binabangga.
Facebook Comments