Mga kongresistang umano’y tinawagan ni PRRD para palitan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez, pinalalantad

Manila, Philippines – Pinalalantad sa publiko ng Malacañang ang sinumang kongresista kung mayroon sa kanila ang tinawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para palitan si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito ang hamon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ng banat ni Senadora Leila De Lima na si Duterte ang dapat na sisihin kung kaya nakabalik sa puwesto si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Giit ni Roque na kailanman ay hindi nakialam ang Pangulo sa usapin sa Kongreso.


Anya, tanging ang mga mambabatas ang nagpasya sa pagpapalit ng kanilang speaker at walang kinalaman ang Pangulo.

Ayon pa ni Roque, ramdam niya ang hirap na pinagdaraanan ni De Lima na nakakulong sa apat na dingding ng bilangguan sa Camp Crame.

Kasabay nito, kumpiyansa naman ang Malacañang na magiging epektibong speaker si Arroyo.

Welcome din aniya sa palasyo ang pahayag ni Arroyo na bibigyan niya ng prayoridad ang charter change o cha-cha na isinusulong ng Pangulo.

Facebook Comments