Mga konsehal sa lungsod ng Maynila, pinasalamatan ng lokal na pamahalaan sa kanilang pagtugon sa gitna ng COVID-19 pandemic

Pinasalamatan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng Konsehal sa anim na distrito sa lungsod ng Maynila.

Ito’y dahil sa patuloy na pagsuporta nila aa mga adhikain at plano sa pagtugon ng lokal na pamahalaan laban sa COVID-19 sa kabila ng pagkakaroon ng kaniya-kaniyang proyekto at trabaho.

Sa katatapos lang na flag raising ceremony, sinabi ng alkalde na malaking tulong at sakripisyo ang inilaan ng mga konsehal upang maipasa ang ilang ordinansa at maayos o malatag alng mabuti ang pondo sa pagtugon ng Manila Local Government Unit (LGU) upang maiwasan na kumalat pa ang COVID-19.


Dagdag pa ni Mayor Isko, sa pamamagitan rin ng pag-apruba ng konseho, maglalaan ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 10 bilyong pisong pondo para resolbahin ang kasalukuyang problema ng mga residente sa lungsod.

Kabilang dito ang pabahay, trabaho, kaligtasan at kalusugan ng bawat Manileño sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Umaasa si Mayor Isko na ang nakalatag na programa ay maisasakatuparan sa loob ng anim o walong linggo kung saan sisikapin ng pamahalaang lungsod na maresolba ang nabanggit na mga problema lalo na ang malalang epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Facebook Comments