Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 sa publiko na maging maingat sa pagbili ng mga regalo online ngayong holiday season upang maiwasan ang problema sa produkto o serbisyo.
Ayon sa ahensya, pinakamainam na bumili lamang sa mga e-marketplace na nag-aalok ng 3Rs—repair, replace, o refund—para maprotektahan ang mamimili sakaling may depekto o problema ang nabiling produkto.
Hinihikayat din ng DTI na suriin ang mga reviews ng produkto o serbisyong bibilhin at iwasan ang pakikipag-transaksyon sa mga merchant sa labas ng official digital platform o marketplace.
Bukod dito, pinapayuhan ang mga konsyumer na ikumpara ang presyo at kalidad ng produkto sa iba pang online merchants dahil, anila, ang maingat na canvassing ay susi upang makaiwas sa scam sa mga transaksyon.







