CAUAYAN CITY- Nagbigay paalala ang pamunuan ng Isabela Electric Cooperative-1 (ISELCO-1) sa mga miyembro nito hinggil sa kanilang mga utang na dapat bayaran.
Magsasagawa ng malawakang disconnection o pag-puputol ng koneksyon ng kuryente ngayong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.
Watch more balita here: 50TH NUTRITION MONTH, IPINAGDIRIWANG SA CAUAYAN
Apektado nito ang Member Consumer-Owners (MCO) na mayroong isang buwan o higit pa na utang sa kanilang buwanang konsumo.
Ang direktiba na ito ay alinsunod sa “Disconnection Policy” ng nasabing opisina, kung saan, layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng kooperatiba tulad na lamang ng pagbabayad sa serbisyo ng kuryente.
Samantala, pina-paalalahanan naman ang mga konsyumer na magbayad ng buwanang konsumo upang hindi maputulan ng suplay ng kuryente, alinsunod sa siyam na araw na palugit matapos matanggap ang Statement of Account.