Mga kontra sa Anti-Terrorism law, ‘virulent’ at ‘noisy’ ayon kay Panelo

“Virulent” at “Noisy”.

Ito ang tawag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga grupong kontra sa Anti-Terrorism Law.

Sa kanyang statement, sinabi ni Panelo na consistent ang character ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi nagpapabigay sa pressure ng ‘external forces.’


Ang pagpirma sa batas ay nagpapakita lamang na mayroong political will ang Pangulo, lalo na sa pagprotekta sa interes ng bawat Pilipino laban sa itinuturing na pinakamataas na uri ng kriminalidad.

Iginiit ni Panelo na mayroong safeguards ang batas laban sa anumang pang-aabuso sa political at civil rights, na nakamandato sa ilalim ng Saligang Batas at itinataguyod din ng international law.

Facebook Comments