
Isinusulong ng akbayan party-list ang house bill no. 7074 o panukalang batas na mag-aamyenda sa party-list system act.
Target ng panukala na magpatupad ng malawakang reporma sa party-list system upang pagbawalan na lumahok ang mga kabilang sa political dynasty gayundin ang mga kontraktor o sinuman na may interes o direktang nakikinabang sa mga kontrata ng gobyerno
Inihain ang panukala nina AKBAYAN Party-list Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, at Dadah Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
Mahigpit ding hahadlangan ng panukala ang pagrerehistro ng mga party-list na hango sa mga programa sa telebisyon o radyo, mga programang tulong ng gobyerno, pati na rin ang paggamit ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno, celebrity, at iba pang public figure.
Ayon kay diokno, layunin ng panukala na ibalik ang tunay na intensyon ng party-list system na bigyan ng boses sa kongreso ang mga mahihirap o mahihinang sektor ng ating lipunan.










