Mga kontrata ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Duque, kinuwestyon

Isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson ang mga kwestyunableng transaksyon ng mga kumpanyang pagmamay-ari o konektado sa pamilya ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Lacson na ang drug manufacturing company na Doctors Pharmaceuticals Inc. (DPI) na pagmamay-ari ng pamilya Duque, ay isang accredited corporation na nagbi-bid para sa government contracts sa DOH mula pa taong 2005.

2005 nang makumpirma ng Commission on Appointments si Duque bilang DOH secretary noong administrasyong Arroyo.


2017 nakakuha ng dalawang government contracts ang DPI kung saan itinalaga muli si Duque bilang kalihim ng DOH.

Ang mga dokumentong nakuha ni Lacson ay nagpapakita na ang kumpanya ay may kontrata sa DOH para sa suplay ng gamot.

Binigyang diin pa ni Lacson na simumang public official o employee ay dapat iwasan ang pagpapakita ng pagiging hindi disente na makakaapekto sa integridad ng government services.

Inungkat ni Lacson ang bagay na ito upang matiyak na ang pondo ng publiko ay hindi naaabuso at nagagamit sa hindi wastong paraan.

Dapat ding maging mapagmatyag ang publiko kung paano nagagamit ang kaban ng bayan lalo na at ipapatupad ng gobyerno ang universal health care law.

Nanawagan din ng imbestigasyon si Lacson hinggil dito at iba pang anomalya na umaaligid sa PhilHealth.

Facebook Comments