Mga kontrata sa Manila Bay reclamation projects, dapat nang repasuhin – DOJ

Dapat nang repasuhin ang kontrata sa mga proyekto sa ilalim ng Manila Bay reclamation.

Ito ang inihayag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang kaniyang legal na opinyon sa usapin ng Manila Bay reclamation project dahil marami ang tiyak na maaapektuhan dito.

Ayon kay Remulla, kung siya ang tatanungin, dapat muling bisitahin at silipin ang mga kontrata lalo’t matagal nang problema ng Metro Manila ang pagbaha tuwing may kalamidad.


Ani Remulla, partikular na nais niyang mabusisi rito ay ang mga kontratang pinasok ng mga local government units at ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Kasunod niyo, sinabi rin ng kalihim na nais niyang makausap si DENR Secretary Ma. Antonia Yulo – Loyzaga para alamin kung nasusunod pa ba ng reclamation projects ang mga panuntunan at umiiral na batas.

Facebook Comments