Mga kontratang naiselyo sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, bubusisiin ng Senado

Masaya si Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian sa 12 Bilyong Dolyar na pamumuhunan na ibinunga ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Nagpapasalamat din si Gatchalian sa ginawa ng Department of Finance na agarang pag-upload sa website nito ng mga loan at investment documents.

Tiniyak ni Gatchalian na magpapatawag siya ng pagdinig para mabusisi at maisapubliko ang mga naiselyong business deals at mga kontrata sa China.


Ayon kay Gatchalian, pag-aaralan muna nilang mabuti ang nabanggit na mga dokumento mula sa DOF para madetermina kung alin dito ang utang, grant at ang may kaugnayan sa oil exploration na isang sensitibong usapin dahil konektado sa Agawan ng teritoryo sa west Philippine Sea.

Diin ni Gatchalian, mahalaga ang transparency o paglalahad sa publiko ng lahat ng detalye ng nabanggit na mga kasunduan para mabura ang mga pagdududa sa mga transaksyon ng gobyerno sa China.

Facebook Comments