Mga kontrobersiya sa DOH laban kay Duque, iimbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Ikinakasa na ng Senate Blue Ribbon Committee ang isasagawang pagdinig sa susunod na linggo patungkol sa mga kontrobersiya sa Department of Health o DOH laban kay Health Secretary Francisco Duque III.

Kasunod ito ng ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson na nakakuha ng mga kontrata sa DOH ang pharmaceutical company ng pamilya ni Duque habang nangungupahan sa gusali ng pamilya rin ni Duque ang PhilHealth.

Diin ni Committee Chairman Senator Richard Gordon, dapat magpaliwanag si Duque at pamilya nito.


Ipapatawag ni Gordon sa pagdinig si Duque at ang mga kaanak nito tulad ng kapatid na si Atty. Gonzalo Duque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Sa tingin naman ni Gordon, ay hindi na kailangang mag leave of absence si Duque dahil maraming trabaho ang DOH tulad ng pag-aksyon sa paglaganap ng dengue at tigdas

Facebook Comments