Mga kontrobersyal na isyu sa Asya, kabilang sa tatalakayin sa pagdating sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken

Tatalakayin sa pagbisita sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken ang hinggil sa overall bilateral cooperation sa mga kontrobersyal na isyu sa Asya.

Pag-uusapan din nina Secretary Blinken at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ang progreso sa alyansa ng Pilipinas at Amerika.

Nakalinya rin sa pulong ng dalawang kalihim ang pag-promote sa trade at investments, gayundin ang pagresolba sa usapin ng kapasidad ng ekonomiya bilang mahalagang component sa pambansang seguridad.


Nakatakda ang pagbisita sa bansa ng US Secretary of State sa March 18 at 19, 2024.

Facebook Comments