Pag-iisahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kooperatiba at mga lokal na pamahalaan para sa pagsasanay sa mga magsasaka.
Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council na lumikha ng tanggapan sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na tututok sa capacity building at professionalization ng agricultural cooperatives.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Cooperative Development Authority (CDA) ang sumasaklaw sa mga kooperatiba, kaya’t ito ang inatasan niyang maging daan sa pagbuo ng partnerships ng agricultural cooperatives at local government units (LGUs) para sa pagpapalakas ng farmers’ development training.
Ang CDA ay isang attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI), na nagtataguyod ng paglago ng mga kooperatiba tungo sa equity o pagkakapantay-pantay, social justice, at economic development.
Sabi ng pangulo, makatutulong ang mga LGU sa CDA upang epektibong magampanan ang kanilang mandato.