
Sinuspinde ng Korte Suprema ang pasok sa ilang korte sa Maynila sa Biyernes, January 9.
Ito ay bilang pakikiisa sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
Ayon sa SC, suspendido ang trabaho sa lahat ng first at second level courts sa lungsod.
Pero magkakaroon pa rin ng sapat na staff members para agad makatugon sa mga request para sa pagpiyansa, release orders, writs of habeas corpus at iba pang urgent reliefs.
Nauna nang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pasok sa trabaho at eskwela sa Lungsod dahil sa Traslacion.
Facebook Comments








