Inanunsyo ng Korte Suprema ang pansamantalang pagsasara ng mga korte sa National Capital Region (NCR) mula sa Lunes, August 2 hanggang August 20, 2021.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng pamahalaan ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction sa buong Metro Manila.
Pero mananatili ang online na operasyon ng mga korte sa NCR para sa videoconferencing hearings sa mga mahahalagang kaso.
Kabilang dito ang mga aplikasyon sa piyansa, pagpapalaya ng mga akusado, Habeas Corpus at ang aplikasyon para sa Temporary Protection Orders for Violence Against Women and Children cases.
Suspendido naman ang paghahain ng pleadings at ng mga mosyon.
Facebook Comments