Mga kriminal binalaan ni Cotabato City Mayor

343

“Wala akong sasantuhin sa pagpapatupad ng batas”, ito ang mariing sinabi ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani kasabay ng isinagawang City Peace and Order Council Meeting noong araw ng lunes sa SouthSeas Convention.
Ang pahayag ni Mayor Guiani ay bunsod na rin sa mga nangyayaring krimen sa syudad sa nakalipas na mga araw at buwan lalo na ang kaso ng pamamaril.
“The law may be harsh, but it is the law”, giit pa ni Mayor Guiani.
Gagamitin aniya nito ang Full Force para lamang maisigurong magiging ligtas ang bawat isa kontra sa anumang uri ng krimininalidad.
Kaugnay nito hinihimok ni Mayor Guiani ang lahat ng sektor na silay samahan sa kanilang kampanya at adbokasiya para na rin sa pagpapanatili ng katiwasayan sa syudad.
Matatandaang noong nakaraang taon, pumangalawa sa Ormoc City ang Cotabato City na kinilala na pinakaligtas o Safest City sa buong bansa habang, kinilala ring Safest City sa buong Mindanao.

Facebook Comments

From Advertisers