Mga kriminal, hindi na kailangan taukutin ng PNP upang masiguro ang kaligtasan ng publiko

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na walang pangangailangan sa pagtakot sa mga kriminal.

Pahayag ito ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasunod ng pagkwestiyon sa kaniyang pamamalakad sa pambansang pulisya.

Ayon kay Azurin, utos sa kaniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pahalagahan ang buhay at gumamit lamang ng pwersa laban sa mga kriminal kung kinakailangan.


Dagdag pa nito, sasailalim sa due process ang mga nangyayaring krimen kung saan magsasagawa ng imbestigasyon, maghahain ng kaso at saka ikukulong ang mga kawatan.

Siniguro naman nito na patuloy ang kanilang mga hakbang upang maging ligtas na lugar ang bansa, nasa loob man o labas ng bahay ang isang indibidwal.

Mababatid na sinabi ni dating PNP chief at Senate committee chairman on public order and dangerous drugs Senator Ronald dela Rosa na hindi na kinatatakutan ng mga kriminal ang pulis at mas naging mapangahas sa paggawa ng krimen.

Facebook Comments