Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mas malaki na ang kinikita ng mga kriminal sa cybercrimes kumpara sa iligal na droga.
Sa Malacañang Inside, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na talamak na ang mga scam hindi lamang sa ASEAN kundi sa buong mundo.
Halimbawa na lamang aniya ang Singapore, na may pinakamataas na per capita loss pagdating sa scams, dahil nasa 5,000 Singaporean dollars ang nawawala sa kada indibidwal.
Ayon kay Uy, naglalaan umano ang mga kriminal ng malaking puhunan para sa cybercrime activities tulad ng scam, phishing, ransomware, at maging paggamit ng deep fakes.
May mga pagkakataon din aniya na ginagamit ang deep fakes upang mapataas ang benta ng partikular na produkto o serbisyo sa pamamagitan ng AI-generated na celebrity endorsement.