
Hawak na ng Fraud Audit Office ng Commission on Audit (COA) ang unang batch ng mga importanteng dokumento kaugnay ng mga flood control project sa Bulacan.
Agad na dinala ang mga ito sa COA Central Office para sa masusing imbestigasyon.
Kasunod na rin ito ng kautusan ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba matapos ipalutang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga seryosong isyu sa pagpapatupad ng mga nasabing proyekto, lalo na sa Bulacan.
45% ng pondo o P44-B na inilaan ng pamahalaan sa buong Region 3 para flood control project ay napunta sa Bulacan.
Sa kabuuan, nakatanggap ang Central Luzon ng P98 bilyon mula Hulyo 1, 2022 hanggang Mayo 30, 2025, o katumbas ng 18% ng kabuuang P548 bilyon na pondo para sa flood control projects sa buong bansa.
Layon ng special audit na tukuyin ang mga kaso ng fraud, waste, at mismanagement upang matiyak ang pananagutan.









