Mga kritiko ng death penalty, pinayuhang magdasal

Pinayuhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kritiko ng death penalty na samahan ng dasal at aksyon para magawan ng paraan ang pagbaba ng krimen sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagtutulak ni Pangulong Duterte na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at pandarambong.

Naniniwala si Cayetano na malaki ang magiging impluwensya ng pagbaba ng krimen laban sa isinusulong na death penalty.


Hinimok ng Speaker ang mga kontra sa death penalty na sabayan ng dasal at mga hakbang para palakasin ang peace and order sa bansa tulad ng paglalagay ng CCTV at dagdag na ilaw sa mga kalsada at maliliit na daan.

Dapat din aniya na palakasin pa ng mga otoridad ang kampanya kontra iligal na droga.

Paliwanag ni Cayetano, puspusan lang naman ang pagsusulong ni Pangulong Duterte sa parusang kamatayan dahil tuluy-tuloy pa rin ang droga at krimen pero kung bababa ang crime rate sa bansa ay mababalewala ang debate sa pagbabalik ng death penalty.

Facebook Comments