Mga kritiko ng martial law sa Mindanao, binantaang ipapakulong ni Pangulong Rodrido Duterte

Manila, Philippines Nagbanta si Pangulong Duterte na ipakukulong niya ang mga kritiko ng martial law sa Mindanao.

Ito’y ilang araw bago maglabas ng desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa petisyon laban sa pagdedeklara ng batas militar sa mindanao na nagsimula noong mayo a-23.

Ayon kay Pangulong Duterte, nakadepende sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police kung nararapat na niyang alisin ang martial law sa Mindanao.


Patuloy pa ang ginagawang military operations ng AFP sa natitirang apat na barangay na hawak ng Maute sa Marawi City.

Facebook Comments