Manila, Philippines – Pinayuhan ng isang kongresista ang mga kritiko ng Pangulong Duterte na maghanap ng ibang isyu ng gobyerno at huwag pagbuntungan ang kalusugan ng Presidente sa tuwing mawawala ito sa mata ng publiko.
Naniniwala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nauubusan na ng mga negatibong ibabato ang mga kritiko tulad sa korapsyon at pangaabuso laban sa Pangulo kaya minsan ay inuungkat pati ang kalusugan nito.
Ginagawang big deal ng mga ito ang pagiging absent ng Pangulo kahit pa ipinapakita na wala namang dapat ikabahala.
Giit pa ng kongresista, naghahanap ng negatibo ang mga kritiko ng Pangulo para maipakitang relevant o mahalaga pa rin ang boses ng mga ito.
Mababatid na nagdemand muli ang Magnificent 7 sa Kamara na ipakita ang tunay na sitwasyon ng kalusugan ng Pangulo kung saan kamakailan ay muli nanaman itong hindi nagpakita sa publiko matapos bisitahin ang mga sundalo at evacuees sa Marawi noong June 20.