Mga kritiko ng war on drugs, tinawag na inggrato ni PNP Chief

Manila, Philippines – Tinawag na inggrato ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kanilang mga kritiko na patuloy binabanatan ang kanilang war on drugs.

Ayon kay Dela Rosa, nakikinabang naman daw sa peace and order na resulta ng war on drugs ang mga kritikong ito pero patuloy na minamasama ang ikinakasang anti-illegal drugs operation ng PNP.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na wala siyang partikular na taong pinapatamaan.


Pero sana mapagtanto ng mga kritikong ito na dahil sa maigting na war on drugs ng PNP nakakapasok sa eskwelahan ang kanilang mga anak na walang kaba, walang takot dahil bibihira na ang krimen sa kalsada.

Tanggap naman daw ni PNP Chief na minsan ay may pagkakamali sila pero sana aminin din ng mga kritikong ito na nakikinabang sila sa war on drugs.

Facebook Comments