Manila, Philippines – Nanawagan ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang na maglabas ng medical bulletin kaugnay sa totoong estado ng kalusugan ng pangulo.
Sa kabila ito ng pagtiyak ng Palasyo na walang malubhang sakit ang pangulo at nagpapahinga lang ito mula sa sunod-sunod na aktibidad.
Giit ni Buhay Rep. Lito Atienza – karapatan ng publiko na malaman kung may malubhang sakit ang pangulo alinsunod na rin sa isinasaad sa konstitusyon.
Ayon naman sa political analyst na si Edmund Tayao – hindi na nakakagulat kung magkasakit man si Duterte dahil inamin na rin naman ito ng pangulo noong campaign period.
Nagbabala naman si dating Senate President Nene Pimentel hinggil sa pagsasapubliko ng kalagayan ng pangulo.
Facebook Comments