Mga kritikong namumulitika ngayong pandemya, “style bulok” – ayon kay Pangulong Duterte

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritisismo hinggil sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos kwestyunin ng ilang mambabatas ang mga inutang ng pamahalaan para sa pagbili ng bakuna.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na wala ng bago sa mga pamumuna at paninira ng mga kritiko.


Iginiit ni Pangulong Duterte na bulok na ang kanilang estilo.

Dagdag pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, marami ang namumulitika ngayong pandemya dahil nalalapit na ang halalan.

Nakiusap si Roque sa mga kritiko na tumulong na lamang na tugunan ang health crisis.

Una nang sinabi ng Malacañang na mas pagtutuunan nila ang pagtugon sa pandemya sa halip na pag-usapan ang 2022 elections.

Facebook Comments