Mga kritisismo ni Dr. Leachon, pinalagan ni Sec. Galvez

Bumuwelta si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. kay dating special adviser Dr. Anthony Leachon matapos kwestyunin ang tila pagpanig sa COVID-19 vaccine na dine-develop ng China.

Matatandaang nagbitiw si Leachon bilang special adviser ng NTF noong Hunyo matapos niyang ihayag ang mga kritisismo niya sa mga istratehiya ng Department of Health (DOH) sa pagtugon sa pandemya.

Ang bagong tirada ni Leachon sa pamahalaan ay tila pagprayoridad sa isang bakunang walang sapat na safety at efficacy data.


Ayon kay Galvez, “loner” si Leachon at mahirap siyang kasama.

Para naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga komento ni Leachon.

Napilitan siyang alisin sa clips ang pagmumura ng Pangulo kay Leachon dahil sa mga kritisismo nito sa COVID-19 response sa mga “Talk to the Nation” addresses nito noong mga nagdaang buwan.

Sang-ayon si Galvez kay Roque na ang mga komento at intensyon ni Leachon ay kwestyunable.

Sinabi ni Galvez, na pumasa ang China-made vaccine sa initial review na isinagawa ng Vaccine Experts Panel (VEP).

Nakapagsagawa na rin ang Sinovac ng Phase 3 Clinical Trials sa iba’t ibang bansa gaya ng Indonesia, Brazil, Turkey at iba pa.

Buo ang kumpiyansa ni Galvez sa Sinovac vaccine lalo na at inaprubahan na ng Indonesia ang paggamit nito sa publiko at inaasahang magkakaroon na ng bakuna ang kanilang bansa sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments