Mga kritisismo sa hakbang ni Pangulong Duterte sa Mindanao, dapat isantabi na muna

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson sa lahat na isantabi muna ang mga kritisismo sa ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagdeklara ng martial law at suspension ng habeas corpus sa buong Mindanao.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacson bilang reaksyon sa mga puna ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa naging hakbang ni Pangulong Duterte sa karahasang sumiklab sa Mindanao, partikular sa Marawi City.

Ayon kay Lacson, ang mga kritiko ng pangulo ay wala namang taglay na sapat impormasykn o detalye ukol sa tunay na sitwasyon sa Mindanao.


Binigyang diin ni Lacson na ang maitutulong ngayon ng lahat ay ang hayaan na muna ang pamahalaan na gawin ang mga nararapat para maresolba ang gulo sa bahagi ng Mindanao.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Lacson ang lahat na sa halip bumatikos ay maging mapagbantay na lamang upang maiwasan ang pagabuso kaugnay sa ipinapatupad na batas militar.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments