Tinanggal na ang mga kubo, stall at iba pang istruktura sa ibabaw ng bahura o sandbar ng Panglao Island sa Bohol.
Bahagi ito ng pagbabago na ginawa ng lokal na pamahalaan kasunod ng reklamo ng isang turista na bumisita sa isla kung saan pumalo sa tumatagingting na 26,000 pesos ang binayad nila para sa pagkain ng 13 katao.
Kabilang sa pagtanggal ng mga istruktura ay permanente na ring ipinagbawal ang ilang tourism activities sa isla tulad ng pagbebenta ng pagkain, snorkeling at diving.
Tanging sightseeing at picture taking lamang ang papayagan sa Virgin Island.
Magsasagawa pa ng karagdagang pagpupulong sa pagitan ng LGU at mga stakeholders upang talakayin ang iba pang pwedeng gawin upang mapabuti ang turismo sa Panglao habang nagpapatuloy pa rin imbestigasyon hinggil sa umano’y cartel sa isda at lamang dagat sa Bohol.