Mga kukuha ng prangkisa, hindi na obligadong magsumite ng Certificate of Conformity ayon sa LTFRB

Tinanggal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Certificate of Conformity o COC sa listahan ng mga dokumento na kinakailangang isumite upang makakuha ng Certificate of Public Convenience o CPC o prangkisa ng sasakyan.

Alinsunod iyan sa inaprubahang Board Resolution No. 05 Series of 2023 ng LTFRB bilang pagtalima na rin sa mga probisyon ng Republic Act 11032 o ang “Ease of Doing Business and Efficient Government Delivery Service Act of 2018.”

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, makaraan ang pag-aaral ng board ay natukoy na ang paghingi ng COC bilang isang requirement ay malimit na nagiging dahilan ng pagkaantala o pagpapawalang-bisa ng mga aplikasyon sa pagksuha ng prangkisa ng sasakyan.


Paliwanag pa ni Guadiz na ang COC ay isa sa mga dokumento na kinakailangang isumite upang makakuha ng prangkisa ng sasakyan, alinsunod sa 2020 LTFRB Citizen’s Charter, lalo na kung ang sasakyan ay “encumbered” o mayroon pang natitirang pinansyal na obligasyon.

Facebook Comments