Binigyang-diin sa Calasiao ang paggalang sa cultural at religious activities kasabay ng pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya.
Sa ilalim ng Executive Order No. 010, Series of 2026, hinihikayat ang mga barangay na magsagawa ng simple at makabuluhang selebrasyon, na nakatuon sa mga tradisyunal na gawaing panrelihiyon at pangkultura na may mababang konsumo ng enerhiya.
Kabilang sa mga hakbang ang pag-iwas sa paggamit ng high-energy consuming equipment, paglilimita sa oras ng paggamit ng kuryente, at hindi paghikayat sa mga aktibidad na gumagamit ng petrolyo tulad ng motorcade.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng kautusan na mapanatili ang tradisyon habang nakakatipid sa enerhiya sa gitna ng umiiral na national energy emergency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










