Mga kulungan sa bansa, sisilipin ng Senado kasunod ng pagkamatay ng Bilibid inmates dahil sa COVID-19

Kikilos na rin ang Senado para maverify ang impormasyon sa sunod-sunod na pagkamatay ng ilang convicts sa New Bilibid Prison dahil umano sa COVID-19.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kakausapin niya si Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald Bato Dela Rosa para magsagawa ng imbestigasyon.

Giit ni Zubiri, hindi lang sitwasyon sa Bilibid ang kanilang sisilipin kundi ang lahat ng kulungan sa buong bansa.


Para kay Zubiri, kahit preso, high profile man o low profile ay may karapatan din sa maayos na pasilidad.

Ang impormasyon ukol sa pagkamatay ng mga high profile inmates tulad ni Jaybee Sebastian sa Bilibid dahil sa COVID-19 ay unang nalaman ni Senate President Tito Sotto III nitong Sabado.

Ayon naman kay Senator Panfilo Ping Lacson, nakatanggap din sya ng kaparehong impormasyon ngunit nais nya muna ng kumpirmasyon.

Facebook Comments