
Hindi na tatama sa malaking bahagi ng Luzon ang Bagyong Uwan na posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa bukas.
Taliwas ito sa mga kumakalat na balitang tatama pa rin sa malaking bahagi ng Luzon ang naturang bagyo.
Sa panayam ng RMN Manila kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Specialist John Manalo, wala ring landfall sa ano mang bahagi ng bansa ang naturang bagyo.
Pero aniya, bagama’t malabo na itong mag-landfall sa ano mang bahagi ng bansa ay makararanas pa rin ang ilang bahagi ng Luzon ng pag-ulan.
Hindi na rin aniya magiging super typhoon ang bagyo pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility o PAR at posible pa nga itong humina.
Facebook Comments









