Mga kumakalat na text messages tungkol sa pag-aatake ng terorista sa mga lungsod sa buong bansa sa darating na hunyo 30, hindi beripikado ayon sa Capiz PNP

Capiz, Philippines – Pinabulaanan ni Capiz PNP Provincial Director PSSUPT. Samuel Nacion ang mga lumalabas na ulat tungkol sa gagawing pag-aatake ng mga terorista sa mga malalaking lungsod sa buong bansa sa darating na Hunyo 30.

Ayon kay Nacion, hindi rin beripikado ang memorandum mula umano sa isang unit ng PNP na nagbibigay ng babala sa lahat ng tanggapan na maging alerto sa nasabing pag-atake.

Giit ni Nacion na natanggap din nito ng personal ang nasabing ulat sa cellphone pero walang opisyal na mensahe mula sa mataas na pamunuan ng pulisya na maging alerto dahil sa nasabing pag-atake ng terorista.


Wala namang report mula sa kanilang intellegence network sa komunidad tungkol umano sa plano mga teroristang grupo.
Ayon sa lumalabas na report, maglulunsad ng pag-aatake ang mga kasapi ISIS, Maute Terror Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa mga pangunahing lungsod sa buong bansa sa darating na Hunyo 30.

Naniniwala si PSSUPT.Samuel Nacion na ang kumakalat na text messages tungkol sa plano ng terorista ay walang katotohanan at hindi nagmula sa hanay ng PNP.

Facebook Comments