Muling nagpulong ang mga myembro at mga opisyales ng Alliance of Lumad Iranun and Maguindanaon o ALIM . Pinangunahan mismo ito ni ALIM Chairman at kasalukuyang Vice Governor Datu Lester Sinsuat.
Kabilang sa mga napag- usapan ang on – going Campaign Period sa Baranggay at Sangguniang Kabataan at papalapit na May 14 elections. Makakaasa naman ng mapayapang halalan sa lahat ng Baranggay sa lalawigan na sakop ng ALIM ayon pa kay Vice Governor Sinsuat .
Hinihikayat rin ni Vice Governor Sinsuat ang lahat ng mga kumakandidato sa Barangay at SK na magsilbing role model para sa kani -kanilang mga kababayan di lamang sa panahon ng eleksyon kundi maging sa panahon ng kanilang paninilbihan.
Mas nakakabuti rin aniya na tumalima sa mga adbokasiya ni Presidente Rody Duterte kabilang na ang pag kontra sa Droga, terorismo at krimen giit ni Vice Gov Lester.
Ang ALIM ay binubuo ng mga Local Officials mula unang distrito ng Maguindanao na kinabibilangan ng Buldon, Barira, Matanog, Parang, Datu Odin Sinsuat, Mother at Northern Kabuntalan, Upi at South Upi at ilang bayan mula second district at mga Board Members.