Lumahok at lumagda sa isang Peace Covenant ang lahat ng mga kumakandidato sa Barangay at SK elections sa bayan ng Datu Abdullah Sangki Maguindanao.
Nanguna sa aktibidad si DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kasama ang mga opisyales ng Comelec, PNP , 1st Mech Battalion Commander Lt. Col Lauro Oliveros at Joint Task Force Central Spokesman Lt. Col Gerry Besana.
Kapwa umaasa ang mga opisyales na magiging sinsero at tutugon sa kani kanilang mga pangako ang mga kumakandidato na karamihan ay mga magkakamag-anak lamang .
Bagaman 6 mula sa 10 Barangay ay walang kalaban, nangako pa rin ang mga kandidato na na makikiisa sa kampanya ng mga otoridad para magkaroon ng isang Honest, Peaceful, Order Election sa May 14.
Facebook Comments