MGA KUMAKANDIDATO SA BSKE 2023 SA DAGUPAN CITY, PUSPUSAN NA ANG PANGANGAMPANYA HABANG PAPALAPIT ANG OCTOBER 30

Puspusan na ang pangangampanya ng mga kumakandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Dagupan City habang papalapit na botohan sa October 30.
Walang sinasayang na oras ang mga kumakandidatong BSK aspirants at patuloy na nililibot ang mga sulok-sulok ng kanilang mga barangay para ikampanya ang mga sarili kung saan kanya-kanya rin ng pakulo gaya ng pagdadala ng mga malalaking speaker para ipatugtog ang kanilang mga jingle at maging plataporma.
Ang iba, kahit tinanggal na ng ilang mga may-ari ang mga campaign posters na idinikit sa harapan ng kanilang bahay, muli nagpaalam ang mga kumakandidato sa mga ito para muling magkabit ng campaign posters at pagkampanya ng sarili.

Apat na araw na ang natapos para sa pangangampanya at inaasahan ng mga botante ang mas matagal at pagbabad pa ng mga kandidato sa kanilang mga kalsada sa susunod pang mga araw.
Samantala, ang ilang mga Barangay naman sa lungsod ay may mga nakabantay naman na mga awtoridad para i-monitor ang seguridad ng lahat habang may nagsasagawa ng pangangampanya sa kanilang nasasakupan. |ifmnews
Facebook Comments